Home / Series / Heneral Tuna / Aired Order /

All Seasons

Season 1

  • S01E01 Ang Mahalagang Misyon / Pagmamahal sa Pamilya

    • October 15, 2021

    Pinadala si Heneral Tuna, ang magiting na sundalo ng Planet Mingming, sa Planet Earth para suriin ang mga Earthlings. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bumagsak ang spaceship niya sa Barangay Hiraya at kinupkop siya ng isang “pa-mil-ya.” Dito, naobserbahan niya ang kanilang nakatutuwang pagsasamahan. 1. Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang pagmamahal sa pamilya? 2. Sa anong paraan mo maaaring ipakita ang pagmamahal sa pamilya? 3. Bakit mahalagang suportahan ang isa’t isa, kahit may hindi pagkakaunawaan?

  • S01E02 Ang Matulunging Kapitan / Pakikipagkapuwa

    • October 22, 2021

    Ilang araw makalipas siyang mapadpad sa Barangay Hiraya ay napansin ni Heneral Tuna ang pakikipagkapuwa ng mga Earthlings sa isa’t isa. Nariyan ang pagtulong ni Kapitan Junjun kay Mama Mel na makahanap ng trabaho at ang sama-samang pagtutulak ng mga taga-barangay para sa nasiraang sasakyan. Mukhang magandang ideya ito na pwedeng gayahin sa Planet Mingming. 1. Ano ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa-tao para sa iyo? 2. Anu-ano ang maaaring dulot kung lahat ay maisasapuso at maisasagawa ang ugaling bayanihan? 3. Ipaliwanag ang mga karaniwang nararamdaman kapag nakakatulong ka sa iba.

  • S01E03 Ang Mahiwagang Nilalang / Pananampalataya

    • October 29, 2021

    Isang gabi, nakita ni Heneral Tuna na may kakaibang ginagawa si Pat-pat. Pagdarasal daw ang tawag dito. Nang lapitan niya si Lola Lea, sinabi niyang pinapalakas daw ng pagdarasal ang kalooban ng mga tao para tuparin ang kanilang mga minimithi. Subukan rin kaya ito ni Heneral Tuna at baka makatulong ito sa kanyang misyon? 1. Ano ang halaga ng pananampalataya sa kultura ng mga Pilipino? 2. Paano mo ipinapakita ang iyong pasasalamat para sa mga pagpapalang natanggap sa buhay? 3. Paano maipapakita ang respeto sa mga taong may ibang pananampalataya o relihiyon?

  • S01E04 Ang Pancit Hiraya / Pagpapahalaga sa Kultura, Sining, at Agham

    • November 5, 2021

    Isang araw, nagdiwang ng piyesta ang Barangay Hiraya. Dito natikman ni Heneral Tuna ang sikat na Pancit Hiraya ni Manay Femy. Sobrang nasarapan siya dahil lasang-lasa ang bawat sangkap! Galing daw sa mga ninuno ni Manay Femy ang recipe nito. Pero mas namangha siya nang malaman na maraming bersyon ang pancit. Napaisip tuloy siya kung ang kultura, sining at agham sa bawat lugar ng Planet Earth ay nagtutulungan para makagawa ng iba’t ibang masasarap na foods! 1. Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang kultura, sining at agham? 2. Magbigay ng ehemplo kung saan makikita ang paggamit ng kultura, sining, at agham sa ating buhay. 3. Paano natin pagyayamin at maipagmamalaki ang kultura, sining, at agham sa Pilipinas?

  • S01E05 Ang Discovery / Kalusugan at Kagalingan

    • November 12, 2021

    Naku, nadisgrasya si Pat-pat habang nagbabasketbol siya! Dinala siya sa ospital at ginamot ang kanyang injury. Napansin ni Heneral Tuna na iba ang pagtrato ng mga Earthlings sa mga may kapansanan o may sakit. Sa Planet Mingming kasi ay hahayaan ka na lang. Napaisip tuloy si Heneral: ano kaya ang mangyayari kung ganito rin ang pagtrato nila sa kapwa sa kanilang planeta? 1. Bakit mahalaga ang kalusugan at kagalingan sa ating mga Pilipino? 2. Ano ang puwede nating gawin para mapanatili ang malusog na pangangatawan at pag-iisip? 3. Ano ang maaaring mangyari kung ang lahat ay aalagaan ang kanilang kalusugan at kagalingan?

  • S01E06 Ang Kakaibang Katangian / Buhay at Tunguhin

    • November 19, 2021

    Habang tumatagal si Heneral Tuna sa Planet Earth, lalo niyang napapansin ang pagsisikap ng mga Earthlings na mapabuti ang kanilang mga buhay. May kanya-kanya kasi silang mga pangarap na gustong matupad. Hindi tulad sa planeta ni Heneral Tuna itinakda na ang kapalaran ng mga nilalalang mula noong bata pa sila. Kung hindi kaya siya naging isang sundalo, ano kaya ang posibleng naging buhay ni Heneral Tuna? 1. Ano ang kahalagahan ng pangarap sa buhay ng isang tao? 2. Ano ang nagtulak sa mga karakter para tuparin nila ang kanilang pangarap sa buhay? 3. Ano ang mga ugaling dapat malinang para matupad ang ating mga pangarap sa buhay?

  • S01E07 Ang Matibay na Barangay / Katatagan

    • November 26, 2021

    Laging may aberya sa Barangay Hiraya tuwing ibubunyag ni Heneral Tuna ang nakakapangilabot na puwersa ng Planetang Mingming. Sakuna rito, sunog doon, ang daming ganap! Pero itong mga Earthlings, nagtutulungan at “naka-smile” pa rin. Ito rin kaya ang solusyon para mapalakas ang sibilisasyon ng Planet Mingming? Mukha yatang mahihirapan si Heneral Tuna sa kanyang misyon kung ganito katatag ang mga Earthlings. 1. Paano ipinapakita ang pagiging matatag ng mga Filipino sa harap ng mga sakuna o pagsubok na dumarating sa knailang buhay? 2. Ano ang magandang naidudulot ng pagiging matatag sa buhay? 3. Ano ang maaari mong gawin o sabihin para mapalakas ang loob ng isang tao?