Isang araw, nagdiwang ng piyesta ang Barangay Hiraya. Dito natikman ni Heneral Tuna ang sikat na Pancit Hiraya ni Manay Femy. Sobrang nasarapan siya dahil lasang-lasa ang bawat sangkap! Galing daw sa mga ninuno ni Manay Femy ang recipe nito. Pero mas namangha siya nang malaman na maraming bersyon ang pancit. Napaisip tuloy siya kung ang kultura, sining at agham sa bawat lugar ng Planet Earth ay nagtutulungan para makagawa ng iba’t ibang masasarap na foods! 1. Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang kultura, sining at agham? 2. Magbigay ng ehemplo kung saan makikita ang paggamit ng kultura, sining, at agham sa ating buhay. 3. Paano natin pagyayamin at maipagmamalaki ang kultura, sining, at agham sa Pilipinas?