Pilit na ipaglalaban ni Vincent, ampon ng isang business magnate, ang Cabrera News, ang naghihingalong negosyo ng pamilya. Matapos maagaw ni Walter ang posisyon bilang CEO, isang matinding away ang sisiklab sa pagitan ng dalawa. Ngunit nang matagpuang patay si Walter, susubukan ni Vincent na humingi ng tulong kay Stella, isang misteryosong dancer na nakasalamuha niya noong gabing iyon.
Habang humihigpit ang imbestigasyon, unti-unting mawawala ang tiwala ni Arthur kay Vincent. Ang masama pa, mas lalong titindi ang hinala ng mga pulis laban sa kanya nang madiskubre nila ang relasyon ng kanyang asawang si Claudia kay Walter. Sa kagustuhang iligtas ang kapatid na may sakit, tatanggapin ni Stella ang alok ni Vincent— ang hindi niya alam ay masasama siya sa gulo ng pamilya Cabrera.