All Seasons

Season 1

  • S01E01 TBA

    • November 16, 2023
    • Prime Video
  • S01E02 TBA

    • November 16, 2023
    • Prime Video
  • S01E03 Naomi's Castle Part 1: More Ketchup Please

    • November 23, 2023
    • Prime Video

    Panibagong araw na naman sa Yummy Teh at binabati ng barkada ang panibagong bisitang si Ketchup na nakakapagtaka ang hawig kay Mang Pek. Habang bumibili ng ketchup si Ketchup, madalian naman siyang inihatak sumali sa saya't pagpusa sa panibagong subcastle: ang Watanabe Naomi Castle!

  • S01E04 Naomi's Castle Part 2: Trip to Nara!

    • November 23, 2023
    • Prime Video

    Nag-iinit na naman ang labanan habang pumapalapit na sa kuta ni Master Watanabe! Naghahanda muli ang ating barkada at si Ketchup para sa isa pang episode ng nakakaloka at nakawiwindang na Takeshi's Castle. Dahil sa naging kahanga-hangang performance ng SASUKE Team, sila na lang ang natitirang pag-asa ng lahat sa labanang ito. Mananalo na ba ang mga mandirigma laban kay Emperor Takeshi?

  • S01E05 Ennosuke's Castle Part 1: Best Actress

    • November 30, 2023
    • Prime Video

    Lalo nang umiigting ang labanan sa pagdating ng huling subcastle, ang Ichikawa Ennosuke Castle! Panibagong araw na naman sa Yummy Teh at may bagong bisita muli, si Maris Racal. Haharapin nila ang mga hamon ng kastilyong ito kasama ang mga dating kilalang manlalaro at mga bagong dayuhang manlalro na magpapasiklab ngayong episode. Tuloy na sa pustahan at labanan!

  • S01E06 Ennosuke's Castle Part 2: Trip to Osaka!

    • November 30, 2023
    • Prime Video

    Mas marami pang kaguluhan na magaganap sa bawat paglapit natin sa laban kay Master Ichikawa Ennosuke! Nakasabit ang pag-asa ng barkadang Yummy Teh at ng mga mandirigma sa kabilib-bilib na kagalingan nina Haru at Yoshiyuki. Habang naghahanda ang dalawa sa huling labanan sa huling subcastle, umaasa't nag-aabang ang lahat para sa isang tagumpay ng mga mandirigma.

  • S01E07 Takeshi's Castle Part 1: Sando Tubero

    • December 7, 2023
    • Prime Video

    Kailangan ng Yummy Teh ng tubero, pati na rin isa pang kalaro para sa pustahan. Buti na lang at dumating si Zanjoe "Sando" Marudo! Ngayong kumpleto na ang barkada, oras na para sa labanan sa huling castle! Ngayon, mas pinalaki, mas pinahirap, at mas pina-SUPER ang lahat. Kasama ang mga pamilyar na mukha na nakilala't minahal ng lahat, handa na silang sumabak sa Takeshi's Castle!

  • S01E08 Takeshi's Castle Part 2: The Final Battle!

    • December 7, 2023
    • Prime Video

    Pagkatapos ng 34 taon, 3 subcastles at di mabilang na pagkatalo, umabot na ang mga mandirigma sa pinakahuling laban at castle. Sa sobrang pagka-excite, hindi aakalain ng barkada ang sikreto ni Sando: na isa siyang spy na pinadala para sabutahin sila! Dismayado pero desidido, tuloy pa rin ang pustahan. Atat ang lahat na makaharap sa wakas ang mismong master, ang kinasusuklamang Emperor Takeshi!