Sinikap ng lovestruck sous-chef na si Ella na isalba ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya—hanggang sa manganib ang lahat dahil sa isang masaklap na balita.
Nagpagalingan sa pagluluto si Ella at ang beteranong chef na si Carlon sa dalawang order ng adobo, habang pinagpupustahan sila ng mga katrabaho nila nang hindi nila alam.
Matapos makita ang fiancee ni Chico sa ospital, nag-focus na lang ang malungkot na si Ella sa unang araw niya bilang head chef sa Hain—pero nawalan naman ng kuryente.
Mukhang palugi na ang Hain, pero baka may pag-asa pa kung susugal sila. Emosyonal ang usapan nina Ella at Raymond. Ginulat ang staff ng isang di-inaasahang bisita.
Tensyonado sa kusina nang may dumating na influencer couple at palihim na food critic. Napaisip si Ella sa mga puwede niyang gawin, at may plano naman si Raymond.