Kahit nagagalit ang asawa niyang si Elsa (Manilyn Reynes) at huling pera na ang laman ng kanyang bulsa, hindi puwedeng hindi makataya sa Lotto si Pepito Manaloto (Michael V.). Ito nga ba ang hinihintay niyang suwerte?
Matapos malaman na tumama ang mga numerong itinaya niya sa Lotto, hindi mapakali si Pepito (Michael V.) kung saan itatago ang kanyang winning ticket.
Matapos manalo ng 700 million pesos sa Lotto, ito na ang simula ng pagbabago ng buhay ng pamilya Manaloto! Pepito, baka naman!
‘Banig no more’ from now on ang pamilya Manaloto dahil magsisimula na ang pagiging buhay-mayaman nila sa bago nilang mansyon. Manibago kaya sila Pitoy (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes)?
Malaking bahay at bagong sasakyan, talagang tuloy-tuloy na ang pagbabago sa buhay ng pamilya Manaloto! Mapapa-sana all ka na lang talaga!