Habang patuloy na nagpapagaling si Gerald, nananatiling maalaga si Gina sa kanyang asawa at ginagawa ang lahat para maparamdam dito na siya ang mas mabuting kapareha kaysa kay Betsy. Samantala, bigla namang sumulpot si Nora sa kaarawan ni Betsy matapos matuklasang nilustay nito ang pera ng kanyang anak.
Ang muling pagkakasundo nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) sa kanilang pangalawang immigration interview ay nagpapatunay ng tunay nilang pagmamahalan, kaya matagumpay na naaprubahan si Gerald para sa green card. Habang malungkot nilang pinag-iisipan na tapusin na ang pekeng kasal, isang hindi inaasahang balita ang muling dumarating.