Alden & Yaya Dub shared their 2nd on screen kiss while Lola Nidora criticize their way of communication. This is said to be the lost episode since this is the only episode of the KalyeSerye not uploaded on the official Facebook page of Eat Bulaga but was uploaded on its official channel.
Ang pangalawang linggo ng pag-iibigan nila #YayaDub at #Alden. Ito ang araw na kailangang matubos ni Alden ang kanyang Prinsesa kaya lng sya naman ang napahamak..may biglang nagdukot sa kanya. Hanggang ngaun hindi alam kong sino ang nasa likod o mastermind ng pagdukot sa kanya. Pwedeng si Lola Nidora? Abangan nlang natin... sino kaya?
Nalungkot si #YayaDub sa nangyari kay #Alden at parang hindi nya nakakayanan na hindi nakikita ang Prince Charming nya. On the other hand, may good news naman kasi malalaman na kung sino ang nasa likod ng pagpapadukot kay Alden. Nahuli mismo sa bibig ni Lola Nidora..sinabihan nya ung mga body guards nya na sina Rogelio 1, Rogelio 2, Rogelio 3, at Rogelio 4..kung bakit raw nakatakas si Alden. Naniniwala rin ba kayo na sya nga?
Habang nasa kulungan si Lola Nidora, dumating naman ang kanyang apo na si Doktora The Explorer galing AFRICA kasi tinawagan sya para daw tubusin nya ang kanyang Lola. Naging masaya ngaun sina Yaya Dub at Alden dahil wala na ung humaadlang sa pag-ibig nila. Subalit, may biglang dumating na balita na nakatakas raw si Lola Nidora sa kulungan kaya inutusan ni Doktora sila Rogelio1, Rogelio2, Rogelio3, at Rogelio4 na salubungin ang kanyang Lola at habang sila naman na dalawa ni Yaya Dub ay aallis para hanapin si Alden.. Ano kaya ang mangyayari? Magkikita na kya silang dalawa? Abangan natin...
Kahit bumalik na si Lola Nidora, hinding hindi pa rin nagpapatinag ang pag-iibigan nina Yaya Dub at Alden. Subalit, after na tinawagan si Lola, sinabihan nya si Yaya Dub na "Tapos na ang maliligayang araw mo!" Ano kaya ang sinabi kay Lola Nidora ng taong nakausap nya sa Phone? Abangan po natin bukas...
Ito ang pangatlong linggo ng pagmamahalan nila Yaya Dub at Alden kaya lang naging araw ng Engagement Day para kay Yaya at Frankie dahil sa pinilit ni Lola Nidora na ipakasal sya sa kanyang apo para maibalik sa kanya ung Secret Diary. Ibibigay sa kanya ni Frankie ung pangtubos na P51 Milyon pesos kapalit ng pagpapakasal nya kay Yaya Dub sa Sabado. Matutuloy na kayang magkakahiwalay silang dalawa ni Alden?
Isang araw nalang ikakasal na sila Yaya Dub at Frankie. Di mapigilan ni Alden na malungkot sa nalaman nya na bukas na ang kasal. Di nya matatanggap kaya gagawa sya ng paraan para hindi matuloy ang nasabing kasalan. Ang good news ay nakatakbo si Yaya Dub kaya lang hindi natin alam kung naabutan sya nina Rogelio 1, Regelio 2, Rogelio 3, and Rogelio 4. Ano kaya ang mangyayari kapag natuloy ang kasal bukas? Sana hindi...
Ang araw ng kasal nila Frankie at Yaya Dub at ito rin sana ang araw ng unang pagkikita nilang dalawa ni Alden. Dahil sa gustong pigilan ni Alden ang kasal, pinuntahan nya ito at unfortunately hindi nya naabutan ang kanyang Prinsesa dahil sya ay nahimatay habang nasa seremonya ng kasal at dinala sa hospital. Ano kaya ang mangyayari sa Lunes? Matutuloy pa rin ba ang kasal o sadyang ang Tadhana na ang nagpapatunay na hindi sila karapat dapat ni Frankie na magkatuluyan. Abangan po natin...
Dahil sa sobrang namimiss na ni Alden si Yaya Dub at gusto nya itong makita, pumunta sya sa barangay at nag aasa na makita nya ang minamahal nya. Subalit ang nkita nya ay si Frankie..ang lalaki na pilit na inaagaw sa kanya si Yaya Dub. Kaya kahit anong mangyari sa kanya dun, patuloy pa rin nyang pinalalaban ang pag iibigan nilang dalawa.
Masayang masaya si Alden sa araw na ito kasi nag-aasa syang magkikita na silang dalawa ni Yaya Dub. Inaabangan nya ito hanggang dumating ung moment na hinanap nya ito sa loob but hindi pa rin nya nakita ang kanyang Prinsesa at nalaman nalang nya na paalis na si Yaya Dub..Kaya hinabol nya ito hanggang sa labas ng Broadway. Unfortunately, hindi pa talaga ito ang 'TAMANG PANAHON' para magkita silang dalawa. Kailangan ni Alden na magsakripisyo muna at malampasan ang lahat na pagsubok na binibigay sa kanya ni Lola Nidora.
Patuloy na namimiss nilang dalawa ang isat isa at nasasabik na si Alden na makita si Yaya Dub in person kaya lang ang Tadhana talaga ang pumigil at ang nakakaalam kung kailan ang Tamang Panahon na pwede na silang magkita. Ito ang araw na nagalit din at nagselos si Yaya Dub kay Alden kasi ang akala nya mayroon nang ibang nililigawan ang taong mahal nya. Nang nakita nyang picture lng pla nya ang ka-date ni Alden, biglang bumalik ang matamis at ang kinikilig niyang ngiti. Ito rin ang ang araw ng kanilang FOURTH-WEEKSARY!
Dumating ang Lolo ni Frankie para iparating kay Lola Nidora na kailangang ipagpatuloy ang naudlot na kasalan ng kanyang apo at ni Yaya Dub. Kaya hinahamon ni Lola si Alden kung malalampasan nya ang mga pagsubok na ibibigay sa kanya at ang pagsubok na un ay nakalagay sa isang box. Ano kaya ang laman at ang magging hamon na gagawin ni Alden para maipaglaban nya ang kanilang pagmamahalan ni Yaya Dub?
Pinadala ni Alden sa riding in tandem ang paboritong pagkain ni Yaya Dub - isaw! Dumating ang guwapong si Dr. Tan-ning. Nagselos si Alden dahil sweet si Yaya kay Doc. May tanning na ang buhay ni Lola. Hanggang 2:30 pm na lang siya mabubuhay sa Sabado. Ang huling hiling niya kay Yaya, pakasalan si Frankie. Matuloy kaya ang YaKie wedding?
Dahil may taning na ang buhay ni Lola Nidora, hihilingin nito kay Alden na pagbigyan na siya sa kanyang kagustuhang maikasal si Yaya Dub kay Frankie. Pagbibigyan kaya ni Alden ang hiling ng matanda, o ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahalan nila ni Yaya Dub?
Bago nag-exchange ng I do's sina Yaya Dub at Frankie, ginawa lahat ni Alden upang pigilan ang kasal. Pero bantay sarado ang mga Rogelio. Natuloy ang YaKie wedding at may dumating na mga pulis. Peke pala ang pastor na nagkasal sa dalawa. Arestado si Father, kaya tuloy ang forever!
Sumayaw sa tuwa sina Alden at Yaya Dub dahil tuloy ang kanilang forever! Nagpaalam naman si Frankie kay Yaya Dub. Babalik na raw siya sa Italy with a broken heart. May mystery caller si Lola Nidora na tila nanggigipit sa kanya. Abangan ang pagpapatuloy ng kalye-serye mamaya sa Eat Bulaga.
Dumating ang riding in tandem bitbit ang candy na pasalubong ni Alden kay Yaya Dub. Dumating din ang twin ni Lola Nidora, si Lola Tidora! At si Lola Tidora may bitbit din, ang mga Bernardo. Sina Lola Nidora at Tidora pala ang original Pabebe twins. Ang twin ni Lola Nidora, may sikretong ibubunyag tungkol sa kanya.
Lumipad si Alden papuntang Bicol para sa hamon ni Lola Nidora. Si Tidora ibinunyag kung sino ang tunay na ina ni Yaya Dub. Ang Pabebe twins, triplets pala! At ang pangatlo ang nanay ni Yaya.
Ingat na ingat si Lola Nidora na hindi malaman ni Yaya Dub ang kanyang lihim. Pinasalubungan ni Alden si Lola ng isang basket ng pili nuts. Pink hat naman para kay Yaya. Nag-celebrate ng weeksary ang AlDub. Na-miss daw nila ang isa't isa. How sweet! Ayon kay Jose, nahanap na raw si Lola Tinidora. Ang pangatlo sa Pabebe triplets na tunay na ina ni Yaya Dub.
Hinamon ni Lola Nidora si Alden na kunin ang tatlong lalagyan ng sili sa loob ng limang minuto na hinagis niya sa swimming pool. Ang binata hindi nag-atubili na sisirin ang mga ito para kay Yaya Dub. Sa huli, nagtagumpay si Alden at naka-two points na sa scoreboard. Samantala, may ibubunyag na sikteto si Lola Tinidora ngayong Lunes. Matuloy kaya ito?
Makakasali si Yaya Dub sa 'Bulaga Pa More,' sa ilang kundisyon. Magkikita na kaya sila ni Alden sa Broadway? O hindi pa ito ang tamang panahon?
Excited na ang lahat sa Bulaga Pa More kung saan maglalaban sina Alden at Yaya Dub. Ang mga Rogelio nagsimula nang mag-rehearse. Si Yaya Dub nakatanggap ng chocolates mula sa Pambansang Bae. At si Lola Nidora tila kinilig din kay Alden. Going strong ang AlDub! Pero ngayong araw na ito, nag-LQ ang dalawa!
Sa sobrang pagre-rehearse ni Alden para sa 'Bulaga Pa More,' tila nakalimutan na niya si Yaya Dub. Panoorin kung ano ang naging reaksyon ni Yaya at Lola Nidora sa unang LQ ng AlDub. Maalis kaya ni Alden ang tampo ni Yaya Dub?
Ang pinakahihintay ng lahat ay nangyari na. Sina Alden at Yaya Dub nagkita na ngunit na-disappoint si Lola Nidora dahil nilabag nila ang isa sa mga kundisyon nito. Napaluha ang AlDub. At nang utusan ni Lola na kunin na ng mga Rogelio si Yaya Dub at isakay sa van, may mga kalalakihang dumampot sa kanya!
Nagbalik-tanaw sina Lola Nidora at Tinidora sa unang pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga noong Sabado (Sept. 5). Dahil sinuway nina Alden at Yaya si Lola, binura nito ang two points ng Pambansang Bae. Start from scratch daw ulit si Alden. Samantala, nawawala pa rin si Yaya Dub. Sino kaya ang dumukot sa kanya?
Nawawala pa rin si Yaya Dub. Si Lola Nidora sinisisi ang mga Rogelio dahil na-kidnap si Yaya. Kaya nag-recruit siya ng mga bodyguards mula sa mga Cuando ni Tinidora. Sino ang pumasa? Samantala, si Yaya Dub nagsulat sa dingding ng message para kina Lola Nidora at Alden. Humihingi ng saklolo. Pakakawalan na raw siya ng mga kidnappers sa isang kundisyon.
Patuloy pa rin ang paghahanap nina Lola Nidora, Tinidora, at Alden kay Yaya Dub. Nagkalat na sila ng posters sa lansangan at nag-post sa social media ng panawagan for the missing Yaya Dub. Tumawag din ang mysterious caller ni Lola Nidora. Sinabi niyang nasa Broadway raw si Yaya. Nabuhayan ng pag-asa si Alden at hinanap si Yaya. Ngunit sadyang pilyo si caller. Wala naman pala roon si Yaya. Paano na ang weeksary ngayong araw na ito?
Malungkot ang weeksary ng AlDub dahil hindi sila nagkita kahit sa split-screen. Si Lola Nidora, nagkakasakit na sa pag-aalala. Nabuhayan ng pag-asa sina Lola Nidora at Tinidora dahil natunton nila ang lugar kung saan itinago si Yaya Dub. Ngunit pagdating nila rito, wala na si Yaya. Nakatakas siya sa kamay ng mga kidnapper! Ngunit ang Pambansang Bae naman ang dinukot ng mystery caller. Magkikita pa ba ang AlDub?
Pagod na pagod na si Lola Nidora sa paghahanap kay Yaya Dub, pati ang mga Rogelio, puyat! Hindi lang sila ang naghahanap kay Yaya, buong mundo tumutulong para siya matagpuan. San nga ba napadpad si Yaya? Si Alden naman, patuloy na pinahihirapan ng mga kidnappers. But wait, there’s more, naabutan si Yaya ng kidnappers. Sino nga ba ang mastermind ng mga kidnappers? Magkikita pa ba ang AlDub? May forever ba para kay Alden at Yaya Dub?
Nakilala na ng bayan ang kumidnap kina Alden at Yaya Dub. Si Duhrizz pala ang nagpadukot sa dalawa dahil sa selos. Muling nagkita ang AlDub at nagkabanggaan pa! Ngunit pinaghiwalay pa rin sila ni Duhrizz . Buti na lang dumating sina Tidora at Tinidora, ang SWAT (Sisters with Attitude). Kinumbinse nila si Duhrizz na pakawalan na si Yaya Dub. Nagsisi rin si Duhrizz sa bandang huli at humingi ng tawad kay Yaya. Ngunit ang happy ending napalitan ng masamang balita - may nangyari raw kay Lola Nidora!
Nagdiwang ang buong barangay dahil naibalik na si Yaya Dub kay Lola Nidora. Nagkaroon nga ng karaoke party sina Tidora, Tinidora at ang isang pulutong ng Cuando. Si Alden at Yaya kakaiba na raw ang nararamdaman para sa isa't isa? Tuloy-tuloy na kaya ang ligaya ng dalawa?
Puno ng magandang aral at kilig ang kalye-serye episode. Si Lola Nidora, tila pumapayag nang magkita sina Alden at Yaya. Sinabi pa nga nito sa dalawa na gawing inspirasyon ang pag-ibig. At inannounce na rin kung sino ang winner sa Bulaga Pa More wild card edition. Walang iba kung hindi si Yaya Dub.
Sa second monthsary ng AlDub, kinantahan ni Alden si Yaya at binigyan ng roses. Nagsulat din siya ng love letter para sa dalaga. Pati sina Lola Nidora, Tidora at Tinidora, may bouquet! At sa special day na ito, nagpasaya si Yaya ng isang Sugod Bahay Gang winner. Ang kanyang napanalunan sa Bulaga Pa More, ibinigay n'ya kay lola. How sweet of you Yaya!
Tinest muna nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora sina Alden at Yaya Dub. Ano ang naging score nila sa compatibility test? Ni-reveal din ni Lola Nidora ang kanyang gift sa AlDub. Pumayag na siyang mag-date sina Alden at Yaya sa Sabado. Kilig much ang 9th weeksary ng AlDub.
Kahit match na match sina Alden at Yaya, kinakabahan pa rin ang dalawa para sa kanilang first date. Ano-ano kaya ang dating tips ng magkakapatid na Lola Nidora, Tinidora at Tidora sa AlDub para maging handa?
Ito ang pinakaunang date nila Yaya Dub at Alden kung saan marami ang naghintay sa panahong ito. Subalit marami din ang nalungkot kasi konting minuto lang silang nagkasama at nagkaharap dahil pinakita ni Yaya Dub ang kanyang pagmamahal kay Lola Nidora na syang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Iniwan nya si Alden para lang maipainom si Lola ng kanyang gamot sa tamang oras.
Nag-worry ang AlDub Nation dahil hindi nila nakita si Yaya Dub nang dumating sina Lola Nidora at Tidora sa barangay. Nasaan kaya si Yaya? Nagpakita rin siya ngunit may benda sa ulo. Naaksidente kasi nang umuwi galing sa first date nila ni Alden. Sa kasamaang palad, hinimatay siya ulit. Epekto kaya ito ng kanyang pagkakauntog?
Napaka-sweet ng Pambansang Bae dahil kahit wala si Yaya Dub sa barangay kahapon ay hindi niya ito nakalimutan. Bumili si Alden ng turon, fruits, flowers at cake para kay Yaya. Gumaling na kaya ang dalaga?
Masaya ang buong barangay sa pagbabalik bi Yaya Dub. Energetic na energetic nga ito at tila naka-recover nang mabilis dahil sa mga regalo ni Alden. Naglambing pa nga siya sa Pambansang Bae at nagpabili ng pritong lumpia. Dali-dali namang naghanap si Alden ngunit sa kasamaang palad, wala siyang nakitang lumpia. Nagtampo si Yaya. Nangako naman si Alden na bibili siya ngayong araw na ito. Matupad kaya ni Alden ang kanyang pangako sa weeksary nila ni Yaya? Samantala, may narinig na namang misteryosong boses si Lola Nidora. Kanino kaya ito na nagsabi pang "AlDub you!"
Sa 10th weeksary ng AlDub, may malaking sorpresa si Lola Nidora sa dalawa - puwede nang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya sa mansyon ni Lola! Sa tuwa ng dalawa ay tila napasigaw si Yaya Dub! Narinig ba ng AlDubnation ang boses ni Yaya? Ano kaya ang mangyayari sa unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya?
Sa pagbisita ni Alden sa mansyon ni Lola Nidora para umakyat ng ligaw kay Yaya Dub, binigyan siya ng tatlong kondisyon ni Lola. Kayanin kaya ni Alden ang mga ito?
Buong pusong tinanggap ni Lola Nidora si Alden na dumalaw kay Yaya Dub. Nang nakapasok na si Alden sa Mansyon, mamaya't maya bumaba na si Yaya Dub papuntang Living Area kung saan naghihintay ang kanyang minamahal. Kumain silang dalawa after na pinakilala ni Lola Nidora si Alden sa kanyang mga kapatid. Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam na si Alden na uuwi na kasi matutulog o magsisiesta na raw si Lola Nidora. Nang makaalis na sya, si Yaya Dub naman sa sobrang saya nya, bigla siyang nakapagsabi ng: "IT MUST BE LOVE!"
Sinariwa nina Tidora at Tinidora ang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub noong nakaraang Sabado. Napansin din nila na mainit ang ulo ni Lola Nidora mula nang umalis si Alden sa mansiyon. Bakit kaya? Si Yaya naman at Alden, happy pa rin sa kanilang pagkikita. At nang nag-fan sign si Alden ng "AlDub You," may sumagot ng "MaAlden Kita." Kanino ang misteryosong boses na ito?
Hindi raw nakatulog si Lola Nidora dahil sa ingay ng kuwentuhan nina Rihanna at Yaya Dub. Siguro raw ay si Alden ang pinag-uusapan nila. Si Tinidora naman ibinalita na gustong makipagbalikan ng ex-boyfriend niyang si Bill. May gustong sabihin si Alden kay Yaya Dub. Nasabi ba niya?
Honesty is the best policy. Nag-confess si Alden kay Lola Nidora na nahawakan niya ang kamay ni Yaya Dub noong Sabado dahil inabutan niya ng tubig ang nabubulunang dalaga. Nagalit si Lola, ngunit napatawad din niya si Alden dahil naging honest ito sa kanya. Samanatala, si Yaya Dub may sorpresa raw kay Alden ngayong weeksary nila. Ano kaya ito?
Sinorpresa ni Yaya Dub si Alden sa kanilang 11th weeksary. Nag-bake siya ng cupcakes para sa Pambansang Bae at ipinadala sa riding in tandem. Siyempre, hindi nagpahuli si Alden. Flowers at isang sulat na "for Meng's eyes only" ang kanyang binigay sa dalaga. How sweet!
Excited na ang lahat sa magaganap na pagbisita ni Lola Nidora at Yaya Dub sa Broadway studio! Kasama rin siyempre si Lola Tidora at Tinidora sa broadway para ma-meet and greet nila ang Dabarkads at TVJ at makilala ng lubusan. Siyempre, excited din si Alden at muli silang magkikita ni Yaya Dub. Maghahanda ng mabuti ang Dabarkads para ma-feel ni Yaya at mga Lolas na welcome na welcome sila sa EB.
Bumisita si Lola Nidora, Tinidora at Yaya Dub sa Eat Bulaga para mas makilala ang mga Dabarkads. Nakasalo ng mga Dabarkads sa special na salu-salo ang Da Explorer sisters at at nagmistulang second date nina Alden at Yaya ang nangyari.
Nag-switch ng roles si Yaya Dub at Alden dahil sa hiling ni Lola Nidora. Si Alden ay sasama sa sugod-bahay para manilbihan kay Lola Nidora. Si Yaya Dub naman ay mag-stay sa Eat Bulaga para maging close sa mga Dabarkads. Ano naman kaya ang nangyari sa Mansyon? Bigla kasing tumawag si Rhianna at nagsabi ng masamang balita kay Lola Nidora.
Dahil wala si Alden sa Eat Bulaga Kalye-serye kanina, hindi maiwasang malungkot ni Yaya Dub. Mabuti na lang nandoon si Yaya Luvs at Bae-by Baste para aliwin si Yaya Dub. Hindi rin ito pinalampas ni Lola Nidora at pinagaralan si Yaya Dub tungkol sa pag-ibig. Babalik na kaya sa kalye-serye si Alden bukas?
Wala pa rin si Alden sa barangay. Ngunit mayroon namang sumabstitute sa kanya - ang cute na cute na si Bae-by Baste. Samantala, si Lola Nidora napaluha nang mabasa ang isang misteryosong sulat. Ito na raw ang tamang panahon para kay Yaya Dub at Isadora.
Wala si Alden sa 12th weeksary ng AlDub, ngunit may nagpasaya naman kay Yaya. Naki-celebrate sina Bae-by Baste and Yaya Luvs. Ok na sana ang lahat, ngunit muling nalungkot ang mga lola at si Yaya nang basahin niya ang sulat ni Isadora.
Malungkot si Yaya dahil wala si Alden upang mag-celebrate ng kanilang weeksary. Isa pang dahilan ang kanyang pag-aalala sa pagbabalik ng kanyang inang si Isadora para kunin siya mula kay Lola Nidora. Dahil dito ay nahihirapan syang mag-rehearse para sa finals ng Bulaga Pa More.
Handa na ang barangay at sina Lola Nidora, Tidora at Tinidora para sa performance ni Yaya Dub sa 'Bulaga Pa More!' Samantala, habang nag-peperform si Yaya Dub, may isang babae na nasa loob ng sasakyan ang nanonood sa kanya. Siya na ba si Isadora?
Nagsimula ang Kalye-serye sa masayang pasasalamat nina Lola Nidora at Yaya Dub dahil sa award na nakuha nila sa kauna-unahang Catholic Social Media Awards. Ngunit sa gitna ng kanilang pag-uusap, may isang babaeng nagmamatyag sa kanilang mga kilos. Siya na ba si Isadora? Nakatanggap din si Yaya ng isang tawag, at sa laking gulat ng mga lola, naiyak na naman si Yaya Dub! Sino kaya ang kanyang nakausap?
Muling nag-disguise sina Lola Nidora, Tinidora at Yaya Dub dahil nagtatago sila mula kay Isadora. Ngunit sa pagkakataon na ito, si Lola Tinidora naging Yaya… at si Yaya naging lola!
It's a bittersweet reunion para kina Alden at Yaya Dub. Dahil nang bumalik si Alden sa Kalye-serye, umuwi naman sa probinsya si Yaya. Paano na ang weeksary bukas?
Wala man si Yaya Dub, natuloy pa rin ang 13th weeksary celebration ng AlDub. Sinorpresa ni Alden sina Lola Nidora at Tinidora.
Masaya ang AlDub Nation ng naki-celebrate sila sa 3rd Monthsary kasama si Alden at ang mga Lola. Nag-alay din ng mga rosas si Alden sa kanilang mga fans. Nasaksihan at narinig din ang unang live phone conversation nila Alden at Yaya Dub. Ibinunyag ni Lola na meron siyang malaking sorpresa para sa dalawa, ano kaya 'yun? Bago matapos ay tumawag si Isadora at hinamon siya ni Lola Nidora na mag-usap para matapos na ang gulo.
Isang malaking sorpresa ang naghihintay kay Yaya Dub sa kanyang pagbabalik sa KalyeSerye. Halatang na-miss ni Yaya Dub ang kanyang mga lola. Pero siyempre, na-miss rin niya si Alden. At sa pagkikita muli ng AlDub, handa na si Lola Nidora na ibigay ang kanyang malaking sorpresa. Sa wakas! Dumating na rin ang tamang panahon.
Isa na namang pasabog ang inihayag ni Lola Nidora kanina tungkol sa tunay na pagkatao ni Yaya Dub. Lalo pang nalinawan kung sino ba talaga ang tunay na magulang ni Yaya, nang dumating si Isadora para ipaliwanag ang katotohanan - na hindi siya tunay na apo ni Lola Nidora at Lola Tinidora. Lahat daw nang ito ay kailangan malaman ni Yaya para maging handa siya sa 'Tamang Panahon' na magaganap sa Sabado.
Wala na naman si Yaya Dub sa kalye-serye. Kasama raw ito ni Isadora sa pamamasyal dahil malapit nang umalis ang tunay na lola ni Yaya. Kahit wala si Yaya, tuloy pa rin ang bonding nina Alden at Lola Nidora. Tinanong rin ng mga lola kung handa na ba si Alden para sa Sabado at pinatunayan naman ni Tisoy na handa na siyang sumayaw at kumanta para sa mga AlDubarkads. Pero siyempre, hinahanap ni Alden si Yaya, kaya naman tinawagan ni Lola Nidora ito para kamustahin. Pero isang umiiyak na Yaya ang sumagot sa kanya. Ano kaya ang nangyari kay Yaya Dub?
Dahil wala si Yaya Dub kahapon, miss na miss na siya ni Alden. Kaya naman ng magkita ang dalawa, hindi na maawat ang kanilang kilig at pagka-sweet sa isa't isa. Tila hindi na raw sila makakapaghintay na dumating ang "Tamang Panahon" kahit pa, tatlong araw na lang ito. Ngunit, tila may gusto na namang manggulo sa kalye-serye! May dalawang lalaking dumating sa eksena at gustong nakawin ang blue folder ni Lola Nidora. Naglalaman daw ito ng sorpresa niya para sa Team Bahay sa Sabado. Sino kaya ang gustong kumuha ng folder ni Lola Nidora? Ano kaya ang laman nito?
Muling nag-paalala si Lola Tidora at Tinidora ang mga bawal dalhin sa Philippine Arena, katulad ng selfie stick, paputok, pagkain, camping at iba pa. Ayaw nang sumama ni Lola Nidora dahil baka manggulo ang kumuha ng diary sa big event. Nag-aalala tuloy si Yaya kay Lola Nidora, excited pa naman para bukas.Tumawag na naman sa phone ni Lola Nidora ang mystery guy at nagbanta na ilalabas ang lihim ng diary ang guguluhin ang big event. Galit na nakikipag-usap si Lola Nidora sa mystery caller! Ano ba ang nakalagay na lihim sa diary?
Sa dami nang pinagdaanan ni Alden at Yaya Dub, sa wakas, dumating na rin ang tamang panahon para sa kanila. Isang momentous event ang naitala na naman ng 'Eat Bulaga.' Sinuportahan ng mga AlDubarkards ang "Sa Tamang Panahon" concert na ginanap sa Philippine Arena. Ang proceeds ng concert at ilalaan sa pagpapagawa ng AlDub library sa iba't ibang panig ng bansa. Hindi naman nabigo ang mga dumalo dahil napuno ng kilig ang Philippine Arena sa paghaharap, pag-uusap at pagyakap ni Alden at Yaya Dub.
Tuloy pa rin ang kilig na dulot ng "Tamang Panahon." Inulit ni Yaya Dub at Alden ang kanilang mga mensahe sa isa't isa na muling nagdulot ng mga ngiti at kilig sa mga manonood, lalo na't narinig nila muli ang tinig ni Yaya Dub. Inamin din niya na kinilig siya sa yakap ni Pambansang Bae noong Sabado. Si Lola Nidora naman, nabawi na ang diary. Binasa niya ang ilang pahina nito, ngunit kulang-kulang ito. Bago pa matapos ang episode, may isang bisita na magpapaselos kay Alden. Sino kaya ito?
Malungkot si Lola Nidora ay dahil kulang na ang mga pahina ng diary. Binasa ulit ni Lola Nidora ang diary tungkol sa bahay at nagbigay ulit ng mga clues sa location ng bahay. Tumawag si Rhianna sa kay Lola Nidora, at inutos ni Lola na maglinis din sa mansyon para iwas dengue at itapon ang mga paso sa hardin. Ang susi sa forever ay nakatago sa isang paso, na gagamitin sa tamang panahon. Kaso nga lang inutusan ni Lola Nidora si Rhianna na itapon ang lahat ng paso sa mansyon. Paano na?
Hinanap nina Lola Nidora, Yaya Dub at ng mga Rogelio ang nawawalang susi sa forever. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nila ito nakita. Kaya't nag-volunteer ang Pambansang Bae na tumulong. Nakita niya kaya ang susi?
Ang riding in tandem, disguise lang pala ng Pambansang Bae para masorpresa si Yaya Dub sa kanilang 15th weeksary. Ito na ang kanilang date na hindi na split-screen... kung hindi face-to-face na!
Nanaginip si Yaya Dub. Sino kaya ang matandang babae na kamukha ni Lola? Ano ang koneksiyon niya sa misteryosong bahay? Mapupuntahan na kaya ito nina Lola Nidora, Tidora, Tinidora at Yaya Dub?
Ano-ano ang mga kahindik-hindik at nakakakilig na eksena sa kalye-serye?
May mystery caller na naman si Lola Nidora at bibisita raw ito sa barangay. Si Alden, kanino kaya ibibigay ang singsing na simbolo ng forever?
Hindi maganda ang araw ni Yaya dahil na-hack ang social media accounts niya. Kaya si Alden, nag-Lola Nidora para pasayahin ang dalaga. Hindi gumana ang pagpapasaya ni Alden kay Yaya, nag-LQ sila. Si Lola Nidora pinagsabihan si Yaya na dapat na-a-appreciate niya ang effort at attention na ibinibigay ng isang tao. Kaya naman sinuyo nito si Alden. Sa huli, nagbati rin ang AlDub ngunit may dumating naman na bisita. Sino siya?
Bibisita si Tia Bebeng sa mga Lola at kay Yaya Dub. At mayroon siyang mga bilin. Ano-ano ito?
Happy 16th Weeksary AlDub! Ito ang araw ng pagbisita ni Tiya Bebeng sa barangay na pinaghandaan nila. Nalaman nya din ang mga nangyayari sa pagmamahalan nila Alden at Yaya Dub na ikinatuwa na din nya in the end o naintindihan din nya ang kanilang pag iibigan.
Handang-handa na nga ang AlDub para sa kanilang performance sa "Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More" ng Eat Bulaga ngayong Sabado. Ngayong Biyernes nga sa Kalyeserye, todo-bihis ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang talent. Sa huli, may bilin si Lola Nidora sa AlDub. Kailangan daw, sabay ang performance ng phenomenal love team. Sino ang dapat gayahin ng AlDub?
Inabangan ng lahat ang performance nina Alden Richards at Yaya Dub sa Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More. At hindi naman sila nabigo, dahil ginaya ng dalawa ang 1970s phenomenal love team nina Guy and Pip! Lalo pang kinilig ang mga viewers nang mapanood nila ang sweet na duet nila! Pagkatapos ng kanilang duet, binigyan ni Tisoy ng tatlong pulang rosas si Yaya. Ibibigay rin sana ni Alden ang singsing na nakuha sa Bahay ni Lola, pero nawawala ito! Nasaan ang singsing?
Umpisa pa lang ng linggo, mainit na ang ulo ni Lola Nidora. Nawala kasi ni Alden ang singsing na mahalaga sa kanilang pamilya. Si Alden nag-reminisce dahil ika-100 days ng una nilang pagkikita ni Yaya Dub. Sinorpresa niya si Yaya with flowers na hinatid ng riding-in-tandem. Si Yaya may sulat naman na ipinaabot kay Alden. Kahit nag-celebrate ng 100 days ang AlDub, si Lola hindi pa rin masaya dahil sa missing ring.
May pinadalang sulat si Alden kay Yaya habang binigyan ni Lola Nidora ang Pambansang Bae ng ikalawang pagkakataon para mahanap ang singsing.
Dumating ang lola ni Alden sa Broadway... si Lola Babah o Doña Barbara Latisha Rockefeller Vda de Faulkerson. Nag-click ba sila ni Lola Nidora? Nagustuhan ba niya si Yaya Dub? Ano ang pakay niya sa barangay?
Isang simple ngunit kilig na 17th weeksary ang naganap sa barangay sa pagitan nina Alden at Yaya Dub.
Nagseselos si Yaya Dub sa model na inirereto ni Lola Babah kay Alden. Samantala, mayroon namang dalawang mabigat na problema si Lola Nidora. Nakasanla pala ang mansyon nina Lola Nidora kay Lola Babah! Paano na ang pinaghahandaang surprise birthday party para kay Lola Nidora? Matubos kaya nila ang mansyon?
Successful ang surprise birthday celebration ni Lola tidora at Yaya Dub para kay Lola Nidora! Sa suprise birthday party para kay Lola Nidora, ipinakilala nina Alden at Yaya Dub ang isa't isa sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Paano naman kaya ang mansyon? Matubos pa kaya ito ni Lola Nidora kay Lola Babah?
Alamin ang kilig surprise ni Yaya Dub para kay Alden Richards sa kanilang bonggang 4th monthsary.
Nagseselos si Yaya Dub sa model na gusto ni Lola Babah para kay Alden pero ipinaalala ni Alden na si Yaya lang ang nasa puso niya.
Nagkaroon ng LQ sina Alden at Yaya dahil kay Cindy. Nagseselos si Yaya dahil baka magustuhan ni Alden ang modelong gusto ni Lola Babah. Nagpunta si Cindy sa Broadway at inamin ni Alden sa iba ang nagpapatibok ng puso nya. Hindi nagustuhan ni Cindy ang narinig at umalis ito ng studio para magsumbong kay Lola Babah.
Bumisita si Alden sa barangay para personal na tanungin si Lola Nidora kung puwede niyang maka-date si Yaya para sa kanilang 18th weeksary. Ayaw ni Lola noong una, ngunit dahil sa pagmamahal sa apo at tiwala kay Alden, pumayag na rin siya. May inihandang surprise date si Alden sa Broadway. Pero tila gusto ni Cindy sirain ang kasiyahan. Hindi natuwa si Yaya sa pagdating ng Russian supermodel. Nagtagpo na ang mga naglalaban para sa puso ni Alden at nag-showdown pa ang dalawa. Ngunit nawalan ng sigla si Yaya nang sabihin ni Cindy na engaged na sila ni Alden dahil ito raw ang ipinangako ni Lola Babah. Tuluyan na bang masisira ang AlDub?
Malungkot si Lola Nidora dahil naaawa siya sa heartbroken na apo. Malungkot din si Alden sa sitwasyon nila ngayon. Tumawag si Lola Babah kay Alden. Tinanong ng binata kung bakit hindi sinabi sa kanya na inayos na pala ang kasal kay Cindy. Samantala, dumating si Cindy sa barangay para puntahan ang mga lola. May pasalubong pa! May dumating naman na sulat para kay Lola Nidora. Iniimbitahan ni Babah sina Nidora, Tidora, at Yaya Dub sa mansion. Bakit kaya?
Habang pinaghahandaan ni Doña Babah ang kanyang mga bisita sa mansyon, may tampuhan pa rin si Alden at Yaya Dub. Pero siyempre, nagkabati rin ang dalawa dahil nangako si Alden na tutulungan niya sila sa kanyang Lola Babah. Nang dumating sa mansion ni Doña Babah sila Lola Nidora, Tidora at Yaya Dub, ipinakita ng lola ni Alden ang kabuuan ng mansyon. Isa ring sorpresa ang inihanda ni Doña Babah sa tatlo-- isasauli na nya ang mansyon ni Lola Nidora pero may isang kundisyon. Tuloy ang kasal ni Alden kay Cindy! Paano na ang forever ng AlDub?
Tinanong ni Lola Nidora kung si Alden at Yaya Dub na ba? Samantala, si Cindy inimbitahan si Yaya sa kasal nila ni Alden sa Sabado. Naku, ano na namang gulo ito?
Hindi makausap ng matino si Yaya Dub dahil sa nalalapit na kasal ni Alden kay Cindy sa Sabado. Inamin din ni Yaya na nag-aalala siya na baka hindi na bumalik si Alden. Kaya ang mga lola, pinag-practice si Yaya ng kanyang gagawin kung mangyari nga ang kinatatakutan nila, Nasaan na nga ba si Alden? Babalik pa ba siya?
Nakuha na nina Lola Nidora ang kanilang invitation sa kasal nina Cindy at Alden. Paano na si Yaya Dub? Give up na ba talaga siya?
Ito na yata ang pinakamalungkot na weeksary ng AlDub. Dahil si Yaya, tila sumuko na sa pag-iibigan nila ni Alden. Habang sina Frankie at Cindy, tila nagkakamabutihan.
Malungkot na malungkot si Yaya Dub habang nag uusap usap sila ng kanyang mga Lola na si Lola Tidora at Lola Nidora. Pumunta rin si Cindy sa Barangay para kumustahin ang mag-lola at Yaya Dub. Mamaya't maya dumating na rin si Frankie at may dalang isaw at bulaklak para kay Cindy na pinangako nya ito sa kanya. Nakapunta rin si Alden sa Barangay para puntahan si Yaya Dub at kausapin sya tungkol sa desisyon nito na umalis ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Tapos na kaya ang forever sa pag-iibigan nilang dalawa at matutuloy na ang kasalang Alden at Cindy sa Sabado?
Habang abala ang lahat sa paghahanda sa kasal nina Cindy at Alden, kapansin-pansin na malungkot sina Yaya Dub, Alden, Frankie at ang mga lola. Si Alden, halos ayaw magbihis para sa kanyang kasal at ayaw kausapin ang kanyang Lola Babah. Samantala, si Yaya Dub, nagpadala pala ng sulat sa lola ni Alden. Isang sulat na nagsusumamo na bigyan sila ni Alden at ang kanilang pagmamahalan ng chance. Naantig si Lola Babah sa sulat ni Yaya, at nagbago ang kanyang isip. At last, payag na sya sa pagmamahalan nina Alden at Yaya! Tuloy na nga ang forever ng dalawa, pero paano na si Cindy?
Sa wakas, nagbalik na si Lola Tinidora! Marami syang dalang pasalubong from Cebu at hindi pala siya sa U.S. nagpunta. Tuwang-tuwa naman sila Lola Nidora, Tidora at Yaya Dub sa kanyang pagbabalik. Inamin naman ni Lola Tinidora na na-miss din niya ang AlDub at ang mga nakakakilig at nakakatuwa nilang mga eksena. Pero bakit tila naiiyak siya? May problema ba si Lola Tinidora?
Sa wakas, nahanap na ni Alden ang singsing. Salamat kay Bae-by Baste.
Si Alden, i-susurprise si Yaya dahil 20th weeksary na pero si Yaya, nasa Broadway para i-surprise si Alden. Sayang, nagkasalisi sila pero kahit magkahiwalay, siniguro pa rin nila na masaya ang weeksary. May isa pa raw sinadya si Yaya sa Broadway. Magpapa-autograph daw siya ng picture ni Alden noong estudyante pa siya!
Si Lola Nidora nasa ospital. Bumalik si Doktora the Explorer para tumulong sa mga lola. Ok na kaya siya?
Nalaman ni Lola Nidora na mayroon siyang diabetes kaya kailangan niyang ingatan ang kaniyang health. Meanwhile, excited na si Yaya Dub para sa date nila ni Alden. Isang nakakakilig na AlDub date sa theme park sa Laguna ang nasaksihan ng AlDub Nation.
Kinikilig pa rin sina Alden at Yaya Dub sa pagpunta nila sa Enchanted Kingdom noong Sabado. Pero hindi makita ni Yaya ang singsing na pinaubaya ni Alden. Buti na lang at nandoon si Doktora Dora at may dalang mga gamot para sa kalimot. Naalala na ni Yaya na ang singsing ay nakaipit lang pala sa tenga nya at napansin nyang may nakaukit dito. Ano kaya ito?
Nalaman na ang nakasulat sa singsing!
Tuluyan na nga bang paalisin ang mga lola sa mansyon?
May letter na naman si Yaya para kay Alden! Syempre, hindi magpapatalo si Tisoy. Dumating ang riding in tandem para dalhin ang regalo ni Alden para sa kanilang weeksary. Jacket, ang laman ng regalo na katerno naman ng jacket ni Alden -- 'Couple jacket!' Lalo pang kinilig ang AlDub nation ng sabihin ni Alden na mahal niya si yaya! Dagdag pa dito, aprub na kay Lola Nidora ang wish ni Alden para sa December 11. Ano kaya ang mangyayari?
Pinapaalis na ang mga Lola sa kanilang mansyon! Paano na kaya sila? Saan na sila titira?
Kawawa naman sina Yaya Dub at ang mga Lola dahil papalapit na ang kapaskuhan at sila ay napalayas sa mansyon. Saan na kaya sila titira?
Nakakita na ang mga Lola at si Yaya Dub ng pwede nilang tirahan! May natanggap din na sulat si Lola Nidora, ano kaya ang laman nito?
Ni-reveal ni Yaya Dub kay Alden kung ano ang nakasaad sa sulat na natanggap nila ni Lola Nidora. Nais siyang makita ng kanyang ama na si Dodong. Paano kaya siya mahahanap ng kanyang ama ngayong wala na sila sa mansyon?
Pinaunlakan ng mga lola ang imbitasyon ni Alden na pumunta ng Broadway at syempre humabol si Yaya galing sa school. Palalampasin ba niya ang chance na makasama si Alden sa monthsary nila? Habang nagse-celebrate ang dalawa, pinag-relax naman ni Alden ang mga lola.
Pumunta silang Cebu para hanapin si Dodong. Dun na rin nag-celebrate ang AlDub ng kanilang 22nd weeksary.
Magkikita na kaya sina Yaya at Dodong? Ano ang nangyari sa paghahanap ni Yaya sa kanyang ama sa Davao?
Magkahalong hilo at kaba ang nararamdaman ni Yaya Dub sa posibilidad na makilala na niya ang kaniyang tunay na ama. Tinutulungan si Yaya ng mga Lolas at ni Alden na tanggapin ang situation at isipin na baka matupad na ang kaniyang Christmas wish na makilala ang kaniyang ama. Maya-maya ay dumating na si Dodong Smash a.k.a. Tatay Dod pero hindi kinaya ni Yaya Dub ang mga pangyayari at hinimatay siya. Nang mahimasmasan si Yaya Dub, na-realize niya na marami pala silang similarities ng kaniyang ama gaya na lang ng pagdu-DubSmash ng Pabebe Girls. Pinakilala na rin kay Daddy Dodong ang manliligaw ni Yaya Dub na si Alden at pinag-"I love you" niya ang binata sa kaniyang anak.
Tuloy ang paghahanap ng mga lola ng paraan para kumita samantalang hindi mapigilan ni Yaya Dub maging malungkot. dahil miss na niya kaagad si Dodong. Nalungkot rin ang magkakapatid dahil sa estado ng buhay nila at inako ni Nidora ang responsibildad. Hahanap daw siya ng paraan para maging maligaya ang Pasko nila. Bigla namang nakatanggap ng sulat ang mag-lo-lola tungkol sa caroling contest sa barangay kung saan puwede silang manalo ng bahay at lupa.
Tuloy ang paghahanap-buhay ng mga lola at kumakayod sila simula nang mawala sa kanila ang mansyon. Samantala, inaasikaso ni Lola Nidora ang kanilang pagsali sa caroling competition, kaya’t inimbitahan niya ang kanyang amigang si Geleen Eugenio para i-choreograph ang kanilang performance.
Tuloy na ang pagsali ng mga maglolola sa Christmas Caroling Competition! Nahihirapan man, ay determinado ang mga lola na lalaban sila at hindi susuko. Naghanap sila ng kanilang costume at pati ang mga Rogelio, kasama sa competition. Si Dora, binigyan pa sila ng gamot na pampaganda ng boses. At si Alden, todo ang suporta sa mga lola at syempre kay Yaya Dub.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Yaya Dub at ng mga lola. Binigyan sila ni Dra. Dora ng Pampalakasus Loobis na mula sa pawis ng blue whale bago mag-perform. Nagdasal muna si Yaya Dub at mga Lola bago tumungtong sa stage, nakisama rin sa pagdarasal si Alden. Ngunit sa huli, iba ang nakapag-uwi ng premyo. Pinanghinaan ng loob ang mga Lola at Yaya Dub dahil 'di nila naiuwi ang inaasam na premyo. Para pasayahin sila ay inimbitahan ng mga Dabarkads ang mga Lola at si Yaya Dub na gunitain ang araw ng Pasko sa Broadway
Naki-Christmas party ang mga Lola sa Broadway kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Wala pa ring bahay ang mga Lola kaya sa kalye nila sinalubong ang Bagong Taon. Kilig na kilig naman si Yaya Dub nang makita ulit ang kanyang Bae sa unang araw ng taon. Ikinuwento ni Lola Nidora na may sorpresa si Yaya para sa birthday ni Alden ngunit hindi sapat ang pera na pambili nito. Upang malutas ang kanilang problema, inanyayahan ni Dabarkad Allan sina Yaya at mga Lola na sumali sa ‘Bulagaan’ dahil PHP 10,000.00 ang papremyo. Game na game sina Alden at Yaya Dub pati ang mga Lolas na sumabak sa ‘Bulagaan.’
Isang espesyal na episode ang pinalabas dahil 24th birthday ni Alden Richards. Naghanda ang katambal nyang si Maine ng tatlong sorpresa. Dumating din ang mga kaibigan at kapamilya ni Alden upang magbigay ng mensahe para sa birthday boy. Bumisita pa si Daddy Bae! Ayon kay Lola Nidora, gusto niya raw makilala ang kaniyang balae. Pinakilala na rin ni Alden si Maine kay Daddy Bae; ayan at nagmano pa siya. Kanina pa pinipigilan ni Alden ang kaniyang mga luha ngunit nang magbigay ito ng mensahe, bumuhos ang mga luha mula sa kaniyang mata. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumusuporta sa kaniya at inalala rin ang kaniyang yumaong ina.
May bagong business ang mga Lola! Ang PKA "Pasisikatin Kita Agency"! Maraming pumila at nag-audition para maging kanilang talent. At sa gitna ng kasiyahan biglang may tumawag na kaklase ni Yaya DUB, si Jhake. Sino siyaaa?
Nasorpresa ang lahat dahil may laban na sa kantahan ang panibagong sFrankiefy nina Lola! At mas lalong nasorpresa ang lahat nang bisitahin ni Alden si Yaya Dub sa barangay! Tuluyan na nga kayang maging maayos ang lahat?
NAKU! Tumawag si Alden na nasa Dubai para kamustahin si Yaya Dub pero nauwi sa hindi pagkakaintindihan ang pag-uusap nilang dalawa? Paano na ang Forever?
Hello Alden? Este... Hello Jhake? Ay! Alden pala! Papalit-palit ng mga caller at paulit-ulit na napuputol ang linya. Is this a sign o nagkataon lang? Basta isa lang ang malinaw, hindi patas ang pagkakahati ng hektarya ng lupa ayon kay Lola Tinidora.
Naglalaba sina Yaya at mga lola para makadagdag sa ipon nila at para makalimutan ang pagod, nagkunwari silang nasa beauty pageant. Dahil busy, hindi napansin ni Yaya na tumatawag na pala si Jake pati na rin si Alden. Pinagtatanggol ni Lola si Yaya mula sa mga humuhusga sa kanya dahil sa sitwasyon kina Alden at Jake. Samantala, may sulat na natanggap si Lola Nidora galing barangay. Ano kaya ang sinasabi nito?
Not only one, but TWO Jake ang kaklase ni Yaya Dub! Kilalanin sila.
Isang masayang tanghalian ang pinagsaluhan nina Yaya DUB at ng mga lola pero ang tanghalian na puno ng tawanan ay nauwi sa pangamba dahil may nararamdaman na naman si Lola Nidora na hindi maganda... tsk. tsk. tsk.
Para matulungan ang mga lola, sasali raw sa pageant si Yaya Dub?
Sa pagbabalik ni Alden sa kalye-serye, sinuportahan niya si Yaya sa paghahanda nito sa pagsali sa Miss Barangay. Pero siyempre, hindi pa rin maiiwasan ang pagpapakilig ng dalawa kahit pa abala sila sa pagpra-practice sa Q&A portion para sa kumpetisyon.
Bumisita sina Yaya Dub and Lolas sa studio ng 'Eat Bulaga' para sa 6th monthsary ng AlDub.
Kayanin kaya ni Alden ang kundisyong hinihiling ni Yaya Dub?
Nagsimula na ngang mag-aral tunugtog ng instrumento si Alden para tuparin ang kahilingan ni Yaya Dub. Syempre pa, hindi siya pinabayaan ng mga Dabarkads. Ultimo si Bossing, may mga tips na bingay sa Pambansang Bae.
Patuloy ang pag-aaral ni Alden tumugtog para makuha ang matamis na oo ni Yaya Dub.
Para sa kanilang 27th weeksary, sinorpresa nina Alden at Yaya ang Aldub nation sa pagbubukas ng unang AlDub library!
Muling inilabas ni Lola Nidora ang Secret Diary dahil naalala niya ang mga lalaking nagpatibok ng kanyang puso, lalo na si Anselmo--ang kanyang "The One That Got Away"... At dahil mukhang malungkot si Lola Nidora, sinubukan siyang pasayahin nina Alden at Yaya Dub pero mukhang nauwi sa tampuhan ang dalawa nang biglang tumawag si Jake!
Pumasa si Alden Richards sa unang kondisyon ni Yaya Dub! Hindi lang pumasa, with flying colors pa!
Nagkuwento si Nidora tungkol sa kanyang bawal na pag-ibig.
Ikinulong ni Mama Ariana si Nidora sa mansyon pero nagawa pa rin nina Anselmo at Nidora na magkita at mag-usap kahit sandali lang...
Hugot lines pa more!
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng love story nina Nidora at Anselmo, ipinakita kung gaano nila kamahal ng isa't isa at kung paano nahilig sa isaw si Lola. Sa kasalukuyang panahon naman, ano kaya ang sorpresa ni Alden kay Yaya sa kanilang 28th weeksary?
Gagaling pa kaya si Anselmo?
Masaya ang lahat sa bayle ngunit muling manggugulo sa pag-iibigan nina Nidora at Anselmo si Mama!
May katapusan pa kaya ang mga problema nina Nidora at Anselmo?
Madadagdagan daw ang miyembro ng kanilang pamilya!
May masama kayang mangyayari sa dalaga?
Lumalala ang sitwasyon ni Anselmo at kailangan humingi ng tulong ni Nidora.
Ano kaya ang kapalit ng pagtulong ni Mama kay Anselmo?
Kung Hei Fat Choi mga Dabarkads! Ano kaya ang dahilan ng pag-babalik ni Frankie? At sino ang secret admirer ni Yaya Dub?
Nagkaroon ng speed dating sa barangay para kay Frankie at sino kaya ang "Secret Admirer" ni Lola Nidora?
Nagkaroon ng "Heart To Get" special search para sa Forever sa barangay! May napili kaya si Frankie? At may letter na naman mula kay "A"!
Totohanan na ba?
Ano kaya ang Valentine's day gift ni Lola Nidora kay Yaya Dub at Alden?
May umamin sa araw ng mga puso.
May bumisita sa Barangay para bigyan ng acting workshop ang maglolola!
Sumayaw sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa kanilang mga tagahanga at sinagot nila ang tanong ng mga ito.
Magkakatotoo kaya ang pangarap ni Alden na maka-duet si Divina?
Nakakakilig ang mensahe nina Alden Richards at Yaya Dub para sa isa’t isa.
Hinamon ng JoWaPao ang mga Lola sa Just Duet bukas! At si Anselmo na nga ba talaga ang nagsusulat kay Lola Nidora?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lola Nidora sa pagkikita nila ni Anselmo?
Masaya na si Lola Nidora dahil nag karoon narin sila ng closure ni Anselmo. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga hulang naka sulat sa diary?
Hinahanap ng mga Lola ang nawawalang pahina ng diary. At nangangailangan ng tulong si Divina sa kanyang project sa Strategic... Strategic Marke---Kailangan ng tulong ni Divina sa school project na may kinalaman sa fashion. Makatulong kaya sina Lola at Alden?
Dumating ang amiga ni Lola Nidora na si Miss Melanie Marquez, upang turuan ang mga models ni Divina.
Unexpected things happen for a reason! This is a weeksary to remember!
Saan nga ba nahalikan ni Alden si Divina? Sa lips or sa pisngi?
Naging successful kaya ang fashion show ni Divina?
HAPPY ang Monday ng mga Dabarkads kasama ang recording artist and record producer na si Dawin!
Simple lang naman ang birthday wish ni Divina, `yon ay makasama ang mga taong nagpapaligaya sa kanya...
Ano kaya ang surprise ng mga Lola kay Divina?
Naghanda ang mga lola para sa espesyal na araw ni Divina.
Dumating na ang panahon para magkakilala ang mga lola, si Divina at ang asawa ni Dodong na si Caitlyn a.k.a. "Dudang"!
Anu-ano kaya ang mga regalo ni Alden kay Maine?
Ano kaya ang proposition ni Dudang para kay Divina?
Pag aaralin ni Dudang si Divina ngunit siya ay may mga kundisyon. Pumayag kaya ang mga Lola?
Pumayag kaya sina Lola at Divina sa proposition ni Caitlyn o patuloy silang magdududa kay Dudang?
Ngayong 34th Weeksary, shinare ni Divina ang mga unforgettable moments nila ni Alden.
Sa pagdating ni Caitlyn, ipinakilala niya ang kanyang mga foreignoys. Hindi nakapunta ang mga maglolola sa mansyon ni Caitlyn kaya ito na lamang ang nagpunta kina Nidora at may kasama pang mga foreignoys! Bukas may paandar daw si Mrs. Smash! Ano kaya yon?
First time nina Alden Richards at Jake Ejercito mag-meet. Ano kaya ang kanilang impression sa isa't isa?
Kay Divina nga ba mapupunta ang mansyon? At sino naman itong si Cookie?
5 years have passed and the 3 Lolas have returned from the States to attend a 'special event' prepared by Alden and Maine. It turns out that the couple is now engaged and both their families will participate in the Filipino tradition of pamamanhikan to formally asked the Lolas for Maine's hand in marriage.