Umiikot ang buhay ni Patrick sa trabaho niya bilang nurse at sa kapatid niya. Pero may alaalang nagbalik nang magkita sila ni Mia, ang sadistang children's book author.
Nalaman na ni Mia ang kondisyon ng tatay niya, pero ayaw niyang makipagtulungan sa mga doktor. Nang makatakas ang isang pasyente, naipit sa gulo si Patrick.
Nakalimutan ni Patrick na magpa-autograph kay Mia para kay Matthew. Pero nang imbitahan siya ni Vincent sa opisina, nakaharap niya ulit si Mia.
Sinubukan ni Vincent na bayaran si Patrick kapalit ng kapatawaran niya. Para mapanatili si Patrick sa buhay niya, inimbitahan ni Mia si Matmat sa book signing event.
Naalala ni Patrick ang masasaklap na nangyari noong kabataan niya. Pumunta na sa author event ang excited na si Matmat, pero nagkagulo dahil sa hindi pagkakaintindihan.
Nag-viral ang ginawa ni Mia, at dahil dito, lalong namroblema sina Vincent at Madeth. Malamig naman ang reaksiyon ni Patrick sa alok niya.
Kapayapaan ang hanap nina Patrick at Matmat nang magbalik sila sa Maravida. Isang tsismosong vlogger ang nagbantang magbubunyag sa pinakamabigat na lihim ni Mia.
Nakasundo ni Matmat ang bago niyang doktor, kaya nagkapag-asa si Patrick. Sa gitna ng unos, dumating si Mia sa Maravida at may naalala si Patrick tungkol sa nanay niya.
Kinausap ni Gemma si Mia tungkol sa relasyon niya kay Patrick. Binalikan ni Mia ang mansiyong tirahan niya dati, kung saan may malagim na presensiyang nag-aabang.
Nang magbalik sa ospital ang isang pasyente, nabulabog si Patrick at ang mga nurse. Napilitan si Matmat na patunayan ang galing niya sa bago niyang trabaho.
Sa klase ni Mia sa ospital, ibinahagi niya ang kakaibang opinyon sa fairy tales. Matapos tumanggap ng paid art job, sinabi ni Matmat kay Patrick ang gusto niyang bilhin.
Tumakas si Mia kasama ng isang pasyente, na nauwi sa habulan ng sasakyan at kaguluhan sa isang political rally. Lumala pa ang tagisan nina Eden at Olivia.
Napilitan si Patrick na samahan si Mia habang pinag-iisipan niya kung paano pakikitunguhan ang kondisyon nito. Hinanap ni Vincent si Mia, para mapabalik siya sa Maynila.
Nagpatulong si Vincent kay Patrick. Nakita niya si Gemma sa isang restaurant. Nagkumahog ang mga tauhan ng ospital nang may biglang dumating na dalawang bisita.
Pinuntahan ni Mia ang tagahanga niyang si Matmat sa ospital, pero ikinagalit ni Patrick ang naging pagkikita nila. May nangyaring nakakabagabag kay Mia at sa tatay niya.
Nagsisi si Patrick matapos masigawan si Matmat. Pero nang malaman niya ang nangyari kay Mia, nagmadali siyang hanapin ito.
Pagkatapos mabasa ng ulan, isinama ni Patrick si Mia sa bahay niya. Pero ayaw na nitong umalis. Pinagbintangan ni Matmat si Patrick na nagsisinungaling tungkol sa sampal.
Marahas ang naging pagkikita nina Gemma at Mia nang isang umaga matapos silang magpalitan ng masasakit na salita. Sinubukan ni Patrick na pakalmahin si Matmat.
May misteryoso raw na bagong housemate si Mia, habang nirereto naman si Patrick sa anak ng matagal na niyang pasyente. Nasaktan si Gemma matapos ang isang pag-amin.
Dahil sa desisyon ni Matmat na tanggapin ang alok na trabaho ni Mia bilang illustrator nito, nagalit si Patrick at nag-away ang magkapatid.
May ginawang desisyon si Patrick para masuportahan ang bagong trabaho ni Matmat—pero may mga kondisyon siya. Inamin ni Vincent kay Madeth ang problema niya sa kumpanya.
Sa unang gabi ng magkapatid sa bahay ni Mia, may nakakabagabag na ikinuwento si Mia kay Matmat. May babala kay Patrick ang lalaking dating katrabaho ng nanay niya.
Habang ginagawa ni Matmat ang painting sa ospital, may nakakabagabag na itinanong si Dr. Anok. Nagulat si Mia matapos makipag-usap sa isang pasyente
Binabagabag si Mia ng mga alaala niya, kaya naghanap siya ng karamay. Dahil sa mga nangyaring insidente, nagdesisyon ang staff ng ospital tungkol sa mga klase ni Mia.
Nang malaman nila ang tungkol sa mga pangitain niya, sinubukang pilitin nina Vincent at Madeth si Mia na umalis na sa bahay, pero nangialam si Patrick.
Ikinuwento ni Mia kay Patrick ang panaginip niya, habang nagkita naman sina Gemma at Vincent sa karaoke bar. Tinanong ni Dr. Anok kay Patrick ang relasyon nila ni Mia.
Pagkatapos umuwi nang lasing, binigyan ni Patrick si Mia ng regalong panlaban sa bangungot niya. Para makilala pa ni Eden si Olivia, naglaro sila habang nag-iinuman.
Bumalik si Mia sa ospital, kaya nakaharap niya si Elvie at ang tatay niya. May nakita si Eden na nakaka-curious na sulat sa kama ni Samuel.
Nagdesisyon si Mia na baguhin ang hitsura niya, pero hindi ito nagustuhan ni Matmat. Marami pang nalaman si Madeth tungkol kay Gemma para sa interesadong si Vincent.
Pinabantayan ni Dr. Anok kay Patrick ang pasyenteng si Zelda dahil sa kakaiba nitong kilos. Masayang nagkasama-sama sina Mia, Patrick, at Matmat.
Nang makita ni Matmat na hawak ni Mia si Satsat, nag-away ang dalawa, at nahati sa dalawa ang manika. Nag-alala si Eden sa pag-uusap nila ni Samuel.
Nasa bahay ni Mama Li sina Vincent at Madeth, na kinainis ni Jason. Nag-sorry si Matmat kay Mia—pero may ibinigay siyang babala.
Habang pinag-uusapan ang lihim na pakikipagrelasyon ni Kai, napaisip naman si Patrick sa feelings niya kay Mia. Naging emosyonal si Bella sa klase ni Mia sa ospital.
Pagkatapos ipagtanggol ni Patrick si Mia laban kay Jerome, na-suspend siya nang 10 araw. Pero pumalpak naman ang plano niyang romantic na bakasyon.
Nagbati na sina Mia at Patrick, pero may nang-istorbo sa malambing nilang tagpo. Nagkuwento si Gemma kay Madeth, na nagbigay naman ng prangkang payo.
Sobrang nag-alala si Samuel at inisip niyang may papatay sa kanya. Naghanda si Patrick sa biyahe kasama si Mia, at may natuklasan siya sa pakikipag-usap kay Dr. Anok.
Nakita nina Patrick at Mia sina Kai at Bella, na sinusulit ang oras na magkasama sila bago maubos ang panahon. Nakita ni Eden ang isang marahas na enkwentro sa ospital.
Ipinakita ni Patrick ang feelings niya kay Mia, at hinintay ng nag-aalalang si Matmat ang pagdating niya. Nagduda si Eden sa pakikitungo ni Olivia kay Samuel.
Umiiyak na nagpaalaman sina Kai at Bella, kinompronta ni Eden si Olivia sa paglabag sa patakaran ng ospital, at may nabalitaan si Matmat tungkol kina Patrick at Mia.
Matapos magwala si Matmat, sinikap ni Mia na pagaanin ang loob ni Patrick, pero malungkot pa rin siya. Nag-alala ang staff sa relasyon ng magkapatid.
Habang nagpapagaling sa ospital, may nahanap si Matmat na kakaibang librong may nakasulat na mensahe. Kinausap ni Mia si Patrick tungkol sa pagiging tahimik nito.
May iniutos si Mama Li kina Gemma at Vincent, at nakasama naman ni Nurse Eden si Matmat. May payo si Gemma kay Patrick.
Humingi ng tawad si Patrick sa kapatid niya na nauwi sa madamdamin nilang pagbabati. Pinilit ni Mia si Gemma na kumain—at uminom—kasama niya.
Habang binabalikan ang mga alaala ng kabataan nila, hindi na kayang iwasan ni Mia ang katotohanan—na nangungulila siya kay Patrick.
Na-trigger si Samuel ng isang kanta kaya inatake niya si Zelda at nagbigay ng babala kay Patrick. Pumunta si Mia kay Mama Li noong birthday niya—pero nasorpresa siya.
Naalala ni Mia ang birthday niya dati, may cake si Eden para sa isang taong espesyal, at nagmadali si Patrick na hanapin si Zelda nang maatake si Pogi.
Dumating si Patrick sa bahay ni Mia, kung saan may malagim siyang natagpuan. Nang kausapin siya ni Mia tungkol sa priorities niya, bumigay na siya sa nararamdaman niya.
Pumayag si Gemma na makipag-coffee date kay Vincent. Nangako si Mia kay Patrick matapos nitong ipagtapat ang totoong dahilan ng trauma ni Matmat.
Pagkatapos makaaway si Matmat, nakipagkasundo na si Mia sa kanya. Ikinalungkot ng mga nagtatrabaho sa ospital, lalo na ni Olivia, ang balita tungkol sa lagay ni Samuel.
Ikinuwento ni Patrick kay Jason ang bago niyang pananaw sa buhay. Pinakalma nina Gemma at Mama Li si Matmat, at pinag-usapan nila ang naging date nina Gemma at Vincent.
Nagreklamo si Jason dahil sa humihina niyang tsansang makatuluyan si Gemma. Kumain sa mamahaling restaurant sina Matmat at Patrick—pero nagulat sila sa dumating na bill.
Kausap ni Mia si Patrick tungkol sa future nila habang nasa shooting ng video para sa bago niyang endorsement. Nag-alala si Gemma nang makasama ni Vincent ang ex nito.
Bagong labas lang sa ospital si Tommy nang may mangyaring nakakatakot sa bus, kaya napilitang kumilos si Matmat. Hinarap naman ni Matmat ang sarili niyang kinatatakutan.
Masaklap ang pinagdaraanan ni Patrick at naghanap siya ng kasagutan. Kinumbinsi ni Gemma si Mia na dalawin ang tatay niya, habang nag-away naman ulit sina Eden at Olivia.
Pumalpak ang family photo shoot ni Mia kasama ng magkapatid dahil ayaw makisali ni Patrick. Pero may nagbago ng isip dahil sa isang nakatagong sulat.
Habang gumuguhit si Matmat ng mga paruparo, may bago siyang naging hamon—paggawa ng mga facial expression. Sinubukan ni Patrick na makakuha ng sagot mula kay Samuel.
Nakakagulat ang ipinagtapat ng maysakit na si Samuel kina Patrick, Eden, at Olivia habang nagbabalik-tanaw sa isang nakakakilabot na gabi sa nakaraan niya
Nang may makatakas sa ospital, hinanap ng staff ang nawawalang pasyente. Kinumbinsi ni Patrick si Mia na harapin ang totoo, habang nagduda naman si Dr. Anok.
Nag-break down si Matmat nang may lumitaw na drawing ng paruparo sa mural niya. Nakilala ni Mia ang kakaibang disenyo nito, kaya may malagim siyang napagtanto.
Gustong makipagkita ni Vincent kay Mia, at may nahanap si Patrick na librong pag-aari ni Ingrid. Nang i-bully si Madeth ng kapatid niya, ipinagtanggol siya ni Jason.
Pagkatapos makita ang security footage, hinanap na ni Patrick kung sino ang sumira sa mural ni Matmat. Nagtalo ang grupo kung paano haharapin sina Olivia at Eden.
Pinag-alala ni Mia si Patrick at ang grupo nang may lakarin siya sa labas. Masinsinang nag-usap sina Gemma at Vincent tungkol sa future.
Nang lumilinaw na ang katotohanan, gustong mag-ingat ni Patrick pero determinado pa rin si Mia, habang may pinuntahan silang interview ni Matmat para sa libro niya.
Nang manganib si Matmat, sumugod sina Mia at Patrick sa bahay para iligtas siya. May bagong nalaman si Patrick tungkol sa pagkamatay ng nanay niya.
Pagkatapos ng nakakabagabag nilang gabi, nagdamayan sina Patrick at Mia, habang natanggap naman ni Matmat ang pangarap niyang regalo.