Pangarap ni Benjie Rosales ang makapagtrabaho sa kumpanya ng real estate tycoon na si Vicente Rosales, ang Rosales Development. Ngunit, mariing tinututulan ito ng kanyang ina. Bakit nga kaya?
Sa pagharap sa mga problema, bagong Sinag ang makikilala. Kaya kabahan na ang mga kokontra! Pero may dadagdag na naman ba sa problema ng pamilya Obispo?
Nagkataon lang bang nagkatagpo sina Sinag at Benjie? O pinagtatagpo talaga ng pagkakataon? Ano ang gagawin ni Sinag sa oras na makita niya ulit si Benjie?
Maglalaro muli si Tadhana. At sina Benjie at Sinag ang taya! Handa na ba ang prinsesa para sa prince charming niya? O may iba pang sorpresang naghihintay sa kanya?
May revelations sina Sinag at Benjie sa isa't isa! About the past or about the present? Habang nagkakagulo ang lahat kakahanap kina Benjie at Sinag, nagkakamabutihan na bang muli ang dalawa?
Mukhang hindi maka-get over sina Sinag at Benjie sa kanilang first kiss. Pero dahil sa kiss na sagad sa buto ang kilig, magiging sagad sa buto din ang selos.
Naging instrumento si Benjie para matupad ang pangarap ni Tatay Teddy. Babalik na ang suwerte sa mga Obispo. Kailan naman kaya darating kay Benjie ang hinihintay niya?